Simula ng pumasok ako kahapon, nababalot ng katahimikan ang aming opisina, hindi tulad ng dati na kahit ordinaryong araw lang ay maririnig mo ang tawanan, asaran, sigawan atbp. Marahil bawat isa ay apektado sa pakakawala ng isang kaopisina na naging malapit na rin sa mga aming puso. Nakakapanghinayang hindi dahil madadagdagan ang tatanggapin namin tawag kungdi nakakapanghinayang ang nabuong pagkakaibigan sa apat na sulok ng aming opinsina.
Marami na ang naunang nagpaalam, ang iba biglaan, ang iba naman inaasahan na, sabi nga nila walang permanente sa mundo kailangan lang nating tanggapin kahit medyo masakit.
Naalala ko tuloy noong andoon pa kami sa Tycoon Building, doon nagagawa namin ang gusto namin tulad ng magkainan, magtext, maglaro, lumakad-lakad sa station basta wag lang aabuso at makakasagabal sa iba. Yung mga bossing namin mababait, kaya naman ramdam mo na importante ka sa kompanya, ramdam mo na hindi ka nila pababayaan kaya naman nakuha nila ang respeto ko. Maliit lng ang opisinang yun pero sobrang nagbond kami ng mga kaopisina ko, nabuo ang pagkakaibigang walang kapares kahit na iba-iba kami ng gusto at trip sa buhay.
Saanman ako dalhin ng aking mga paa, ang mga alaalang ito ang babaunin at isa sa gagawing inspirasyon sa anumang tatahaking landas...
Thursday, August 14, 2008
Nakabibinging Katahimikan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



7 comments:
Tama ka Rizza ibang iba na ngaun ang lahat..
Pormal pormalan! ahehe..
Nakakalungkot din talaga ang unti unting pagkawala ng mga taong di mana natin madalas makabonding e naging malapit na rin sa puso natin dahil nasa iisang floor tau.
Masyado mabilis ang mga pangyayari, pero ganon talaga, una-unahan lng!
pag ako ba umalis emo din kayo?
wahahahaha..
hayy....
ayoko nang magcomment lalo lang akong nalulungkot..
@Roge ewan ko ba, bakit etong mga nakaraang araw lagi na lang ako emo, halata ba?
@Jham be happy! di ba nga "Good Friends are like stars. You don't always see them, but you know they are always there!"
Basta ako ang mamimiss ko ang mga tao na nakahalubilo ko... ang mamimiss ko ang KBI hindi Allsec. toink. (baka di iprocess back pay ko joke lang po) hahahahahah. miss you seatmate!
update ko kayo,,,
XOXO GOSSIP GERLALU hahaha
Nakakamiss talaga ang Kingdom Builders! Hayssss... Miss ko tuloy sir Paul! heheehhe!
Update mo ko lagu gossip gerl!
Post a Comment